Typhoon Lawin
Click Here to view the Whole Album
Matapos mailikas ng MDRRMO ang mga tga Taal na nasa low lying areas ay binisita ni Mayor Pong ang kalagayan ng mga evacuees sa Taal National High School kasama ang mga Department heads ng Munisipyo. Sa ngayon po ay mayroon nang 304 individuals at 65 families na nag ooccupy ng 10 classrooms. Nakapagdistribute na din po ng mga pagkain at inumin at natingnan na rin ng municipal doctor ang kalusugan nila. Ipagpatuloy po natin ang pagdarasal para sa kaligtasan ng maaapektuhan ng bagyong Lawin. #patuloypongmaglilingkod #keeponpraying #Godisgoodallthetime
Sa ngalan ng buong bayan ng Taal ay taos puso po akong nagpapasalamat sa lahat ng mga tumulong at nakiisa sa pagtugon sa Bagyong Lawin. Maraming salamat: -Kapitan, konsehal, tanod at BHW ng Brgy. Butong, Zone 4 at 5, Tatlong Maria – DRRM Officers and Staff – Department Heads and Staff – Day Care Workers – TMG, Kapulisan at Ka-bumberohan – DepEd Coordinator for Disaster – Principals and Teachers ng Taal High School at SB Staff Lalo’t higit sa mga mamamayan sa kanilang kooperasyon at pakiki-isa. Tunay ngang napaka-palad ng ating bayan na biniyayaan na maging ligtas sa mga sakuna. Patuloy po tayong manalig sa #ZeroCasualty at #MinimizedDamaged! sa minamahal nating bayan ng Taal!