Seal of Good Local Governance
Click Here to View the Whole Album
Ito ang araw na ipagmalaki natin ang bayan ng Taal!!! Sapagkat tayo ay pinarangalan ng DILG ng ‘Good Local Governance.’ Ito ay pagkilala sa ating maayos at magandang pamamalakad sa munisipyo kung saan itinataguyod natin ang prinsipyo ng transparency, accountability, participatory governance at iba pa. Ang mas nakakagalak pa po dito ay sa higit 1,600 na LGUs, mahigit 300 lang ang napili sa buong Pilipinas at ang Taal ay isa sa nabigyan ng parangal. Hindi pa ho dyan natatapos ang magandang balita. Dahil sa parangal na ito, tayo ay gagawaran ng PHP3 MILLION-WORTH na mga proyektong pangmamamayan!!! Dahil sa parangal na ito, sa ngalan po ng lahat ng department heads at public servants sa munisipyo ng Taal, kami po ay mas lalong inspirado na patuloy pa pong paglingkuran kayo. Walang parangal o gantimpala ang makakasukli sa bawat ngiti ng taong aming pinaglilingkuran. Marami pong salamat! Ang award na ito ay para sa bawat Taaleno!!!