Oplan Undas 2016
Click Here to View the Whole Album
PAGHAHANDA SA OPLAN UNDAS 2016, sinimulan na. Isang beses lamang po sa isang taon nagaganap ang Araw ng mga yumao nating mahal sa buhay, kaya’t ginawa ni Mayor Pong ang kanyang responsibilidad bilang Ama ng Bayan ng Taal. Pinulong niya ang lahat ng volunteers para sa TAAL OPLAN UNDAS 2016 bago sila pumunta sa kani-kanilang assignments. Nakaready na ang Taal PNP, Bureau of Fire Protection, mga Brgy. Pulis, RHU team, MDRRMC team, TMG, Taaleños Riders, Kabalikat Civic com at mga ambulances. Mayroon din pong 2 sasakayan para sa LIBRENG SAKAY mula sa ibaba ng sementeryo paakyat. Narito po ang listahan ng TAAL OPLAN UNDAS Operation Centers: – front gate Hacienda Villas – Taal catholic cemetery – Holy Land memorial park – Sanctuario de Taal – Flying V ( M Lodlod) – Taal plaza – Taal- Lemery bridge – Tawilisan Ipagpatuloy po natin ang araw-araw na pagdarasal para sa kaluluwa ng mga yumao nating mga mahal sa buhay. Sa lahat po ng volunteers maraming pong salamat sa inyo.
Sa katatapos na Undras, mataimtim at maayos ang pag-gunita ng mga Taaleño sa kanilang mga pumanaw na mahal sa buhay. Naisakatuparan ito sa tulong ng mga kapulisan, municipal staff at volunteers mula sa Kabalikat at UCVO na magdamag na nagbantay ng kaayusan sa sementeryo at mga kalsada. Dahil sa kanilang serbisyo: 1. Walang sakuna o anumang untoward incident ang naganap 2. Nailawan ang sementeryo at naiwasan ang anumang krimen 3. Nabigyan ng libreng sakay ang mga dumadalaw sa sementeryo 4. Agarang nalinis ang kapaligiran Higit pa, taos puso rin ang aking pasasalamat sa bawat Taaleño sa kanilang disiplina at maayos na pagsunod upang maidaos ang Undras. Sa diwa ng Undras at sa gabay ng ating Maykapal, umasa po kayo na patuloy po kaming maglilingkod upang ang mga sakripisyo ng ating mga ninuno ay magbunga ng kabutihan at kaunlaran sa ating mahal na bayan!